Ayoko ng Huwebes


Ayoko sa Huwebes, nabibwisit ako.

Nagkita uli tayo pagkatapos ng isang taon
"Uy kamusta", sabay abot ng kamay
"Teka amoy yosi kamay ko", ani ko.
Huwebes noong araw na iyon.

Laging alas dose ang uwian 'ko
"Susunduin pa kita, wait lang"
Bakit kaya tuwing Huwebes
mas mahaba tayong magkasama?

Huwebes nanaman nung nakasama kita
"San ka?", ani ko.
"Tara sama ka sakin", sabi mo.

Sa ilalim ng mga ilaw
doon sa kahabaan ng Calle Muralla
may halik. 

Matapos ang isang taong walang kibuan.
totoong halik;
malayo sa dalawang taong nakalipas
Pero nawala nalang tayo pag sapit ng Huwebes.

Huwebes. 

Isang araw sa pitong linggo.
Isang araw na dulot ay linggong pagiging malungkot
Ayoko talaga ng Huwebes
Ayokong naalala ka.


 

About

Yugto in Filipino means (transition to a new) chapter.

Featured