Ikaw,
Dadalhin kita sa kanto ng General Lim at Luna kung saan ko paboritong tambayan simula high school; para sa susunod na balik ko, di na ko mag-isang nagmumuni kasi kasama na kita.
At dahil makulit ako, pipilitin kitang samahan ako sa mga museum na nasa bucketlist ko tapos mag iiwan tayo ng playlist ng mga paborito nating kanta. Sabay magppick up line ako ng "uy, don't touch the art daw" sabay hawak sa kamay mo kasi, sige sabihin na nating breezy ako, ako at alam mo yun kaya sabay tayong tatawa.
Sa susunod, hindi ka na uupong mag-isa at nakasimangot kasi kasama mo na ako at sabay tayong magiging weirdo habang nagbubulungan ng "Hail Hydra"
Ako.

