No entry


Mahilig ako pumasok
sa mga situasyon
at relasyon
na alam kong dehado ako

Mahilig din ako sa sakit ng ulo
gusto ko yung napapa iisip ako
mula alas dos hanggang alas singko
yung nakakapagod literal

Mahilig akong umalis
pag alam kong malapit na
malapit na akong iwan,
malapit nang masira

Mahilig akong manatili
at umasa sa bagay na hindi tiyak
pero sa lahat ng mga hinuha ko,
ikaw lang ang nagawang tama

 

About

Yugto in Filipino means (transition to a new) chapter.

Featured