Hangover


Ikaw yung tipo na hangover
na umaabot ng buong linggo
gusto kong mawala
pero kelangan itulak 

"Itulak ng isa pang shot", sabi ni paul
"Babawi nalang ako ng tulog", ani ko
Anong hangover ba ang mas sasakit pa
Sa mga salitang nasabi na

Na ayaw talagang sabihin
mga bagay na hindi diretso
tulad ng pag lakad ko pauwi
tulad ng mga rason mo

Ikaw yung tipo na hangover
na pilit kong ginagamot
na hindi nasasagot ng tulog
tanginang yan.

 

About

Yugto in Filipino means (transition to a new) chapter.

Featured